xox.E-D-I-T-E-D.xox
05-05-08 6:34 PM
Family REUNION Part Two! XD Laguna, HERE WE COME!
Gaya ng aking isinalaysay, may ikalawang parte pa ang aming Reunyon, at gaganapin sa Pansol, Calamba, Laguna.. hihihi.. Grabe ah, todo asikaso kami sa kusina, minsan nga hindi ko naalala gagawin ko, sobra na atang umaapaw ang pagka-ulyanen ko, susme.. WTF?! Pinaplantsa ko na yung aking mini skirt, takte biglang out of nowhere, may naamoy akong mabantot pero hindi naman to the point na nakakasuka ah! duh.. yung parang may nasusunog, then biglang may umusok ata sa may bandang extension... poof! Nataranta ako, susme, tinawag ko si Erpats, duh? wala raw, biglang may nakita naman akong spark dun sa saksakan, waaaaaaaaa! PANIC! XD pumutok nga, takot ako, buti naagapan ni Erpats at walang nangyari, hahaha.. XD so ayun, naligo na ako sabay porma ng dyosa niyo.. ayieee.. pikchoors pa..
Oh kita niyo yan? mukhang maduduling pa ang DYOSA, mukhang gaga, LOL.. XD pa-kyut raw ba? duh.. TEKA! Di ako KYUT! MAGANDA ang tamang TERM dahil di ako ASO, duh.. ASO lang ang tinatawag na KYUT XD at wala akong magawa eh at CERTIFIED TAMADORA kasi, yaw ko magbuhat ng mga ka-eklabushang ilalagay sa kotse, xet.. Na-eexpose na talaga ang aking KATAMARAN. tsk.. Daig pa ata si Juan Tamad, LOL.. Shortly afterwards, dumating na sina Ate Rachel, Kuya Jam at isa pang ekstrang tao [sama!.. XD] at ako naman ay walang ginawa kundi mag-pikchoor, tsk.. hahaha.. Nakakahiya man sa bisita pero la ako paki noh.. duh.. hahaha Nakasakay na rin kami sa van, katabi ko si Ermats, inaasar ko, LOL.. TARUSH! Wish ko lang di ko ron namana ang aking katarayan noh, delikado eh, kulang na lang hagisan ako ng plato, BULL'S EYE! at may pa-irap-irap pa siyang nalalaman ah, susme, with matching taas-kilay, nakuuuu! sarap talaga asarin, lalo na dakdak ng dakdak, ang ingay.. ampp.. and then, as usual.. pikchoor pa rin at soundtrip, ambooring eh, di ko kasama ang aking mga kapatid na walang moral, grrrr.. nasa kotse sila, hmmph.. Text-text lang ako kay Ate Raz at kay BBB. :]] at lumalamon ng Oishi Ridges Potato Chips - Cheese Flavor.. hindi naman kunmpleto yan eh noh? Nakarating na rin kami sa Villa Rebecca, phew! Same old pa rin, walang nagbago, ayieee, kaka-excite lumangoy, pero bago ang lahat, pinasama ako ni Ermats kay Kuya Edwin, susunduin daw namin sila Lola at Tita Chic and Fam sa Jollibee Crossing.. ayun! Matapos iyan pesteng trapik, nakarating at nakabalik na uli sa aking paraiso, hai! So ayun, lumamon muna kami ni Lola, hehehe.. Kain ng kain ang aking EBER-DEAREST Lola eh, kaya nahawa ako.. LOL.. After a while, lumangoy na ako, pati si Lola, hahaha.. Tanong ko kung pano siya lumangoy, LANGOY-ASO raw, hahaha.. adik, patawa si Grand-Ermats.. Maya-maya natanong ko, may damit ba siya, WALA raw, pasaway! Inasar ko pa si Lola, hahaha, di naman ako badgirl niyan noh? Bakit pa kasi lumangoy, wala namang dalang damit, nakuuu.. pasaway talaga, hahaha.. To the extent pa kasing naka-colored clothes si Lola, hahaha.. Then, dumating na sina Tita Annie, Ate Aprille, Kuya Braiden at ang aking CLOSE-EBER kasin, Maan, hahaha.. lumagoy na rin maya-maya.. Andami pa naming trip nun, hahaha.. May nalalaman pa kaming DIVE-CONTEST eh, buti naman nagawa ko, ilang beses pa, pero eto namang si kuya TIMONS, boploks.. mali-mali pa ang mga nagagawang pag-dive kulang na lang eh, sipain na sa pool, duh.. XD
Kumain na kami afterwards uli at nagsaya-saya sa swimming pool, yung iba kong kasin, kumakanta sa karaoke, dumating na rin si Ate Pam, Tita Cutie, Tito Bob at yung Hapon na jowa ni Ate, hihihi.. Todo-shake hands si Oni hahaha, LOL, feeling.. hahaha.. XD aalis na pala kasi pabalik sa Land of The Rising Sun, hahaha.. Nagpikchoor-pikchoor pa sila ah.. hihihi.. Mga 3 am na ata ako natulog nun eh.. tapos 10 am ako nagising, yaw ko lumamon, di ka-aya-ayang pagkain, yung sausages Hungarian, gaaaaah! ewww! Tapos langoy-langoy uli, hahaha.. ngayon naman, yung handstand underwater ang pinagkaka-abalahan namin, takte, muntik na ako eh, patumbling pa nagawa ko, hmmph! mga saktong 5 pm na kami umalis, kasama namin sina Lola at Tita Chic, biyahe, waw, mapipisat na ako, argh.. bumili muna kami ng Collete's Buko Pie tapos kung anu-anong Food Products.. Naka-idlip ako saglit pero mamaya, sumakit ang tiyan koooo! Argh! ang sakit talaga! Matapos namin hatid sina Tita, nagpabili ako tubig, ayun, umayos na.. hayyy salamat.. Hinatid na rin namin si Lola tapos umuwi na pero as usual karga na naman, grrrr!
That's ALL! Mwuaahs! XD