<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4341231147608343189\x26blogName\x3dMUNDO+ng+AKING+KABALIWAN\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://miltotskiness.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://miltotskiness.blogspot.com/\x26vt\x3d8123087191214563676', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Friday, May 2, 2008
.A BOO-BOO DAY.
11:28 PM
Hahaha... LAFTRIP.. XD

ang inyong magaling na DYOSA eh, napakaraming na-italang KATANGAHAN at KAHIBANGAN NG UTAK ngayong araw na eto.. TSK.. Kulang na lang eh, ibalik naten sa MENTAL, yeah right! At higit sa lahat eh umaapaw ang kanyang KABOBOHAN, LOL~ Sobra na siya kung ma-boploks at kung anu-anong katangahan ang nagawa, xett.. LOLness~ Nais niya lamang pong ibahagi sa inyong mga magagandang mukha @___@ ang *TALA NG KANYANG KATANGAHAN* toinks!..

BOO-BOO # 1 : ang aking pantaloooooon! ANG LUWAAAAAAAAGGG! siyete! amppp.. T___T nakalimutan ko pang magsuot ng Belt ni DARNA @___@.. Halos isang dangkal na ang espasyo mula sa aking balakang.. Kulang na lang eh, gawing kong parang gown ang hawak sa aking pantalong kupas naman, o kaya parang bebong bagong tuli, tae... T___T

BOO-BOO # 2 : Dahil nga ang aking pantalon ay maluwag, hindi ko namalayan na nilagay ko sa pinaka-inner ng pantalon [na akala ko ay ang BULSA] ang aking CELPON.. at pagkalakad ko'y si CELPON ay muntikan ng nag-slide sa aking legs, ngunit LAKING-PASASALAMAT ko sapagka't ang headset wire ay nagsilbing alalay ni CELPON para hindi tuluyang bumagsak.. ANG NAPAKA-BOPLOKS NA EKSENA EH, pinilit ko pa talagang kunin si CELPON sa loob ng aking pantalon sa harap ng maraming tao? WTF?!

BOO-BOO # 3 : Sa room ng FARADAY.. Kina-usap ako ni Shannen habang nilabas ang notebook niya, "Meron kang notes sa *blahblah*" Oh sure! Kampante ako, NILABAS KO SI CORONA at pinakita sa kanya ang NOTES KO SA ENGLISH, eh gage.. "UP GRADING SYSTEM" pala ang kanyang hinihingi.. LOL.. XD Dahil hindi ko narinig, siya ang naghanap, nakakahiya, nahanap niya, ako sarili kong notebuk di ko MAN LANG MAINTINDIHAN?! WTF # 2!

BOO-BOO # 4 : Elementary Algebra, again.. Elementary Algebra, ELEMENTARY ALGEBRA..! AY CHUGA! Lilitaw na talaga ang kaboplok-san ko, and guess what?! mukhang WISH GRANTED akooo.. Umeksena nga si BOPLOKS.. ang aking iskor ay ang kawawang NUMERO ng BENTE, out of sebenti-tri kuwestiyong nakaka-alog ng aking HIBANG NA UTAK.. wow! Congrats! Kismet gave you a chance! TSK!..

BOO-BOO # 5 : Dumating si KUYA MON after class, in-announce niya about those who passed the ENGLISH-NOSEBLEEDING-EBER TEST.. And I thought he said, APAT LANG ANG BUMAGSAK.. xett... YUN PALA, APAT LANG ANG PUMASA! WTF # 3! siyete talaga... At DUH?! Wag daw umakyat sa BILLBOARD at tumalon, dahil sa kahindik-hindik na katotohanan.. EH DUH DIN! AS IF THAT's A BIG DEAL NOH!.. CHENES.. XD

BOO-BOO # 6 : ASONG SIGA, siga talaga kahit kailan! ARGH!.. Naglalakad na kami ni Gladys ng biglang OUT OF NOWHERE, bigla siyang napakapit sakin, malamang nagulat ako tapos pagharap kooo, ASONG SIGA is on the way, balak ko sanang tumakbo, LOL~ Namaaaaaaaaaaaaan! Mamatay ako sa gulat eeeee!.. LOL..

BOO-BOO # 7 : I was going now to fetch Kim for our outing, and on the Jeepney of route P.FAURA-STA. ANA TULAY, I got my money on the hands, magbabayad na sana ako, kaso ang nabanggit ng LANGYA kong BUNGANGA AY "PARA POOOO!" susme at on the act ko pa talagang inaabot ang aking bayad at katunayan, KAKASAKAY KO LANG! LANGYA, I made a scene! Nagulat yung mga tao, hahaha! Biglang banat ko "AY SORI, Bayad pala.. Hehehe" at hindi man lang tumawa si MANONG?! WTF # 4!

BOO-BOO # 8 : Kasama ko na sina KIm at Corz, papunta na kami sa V.Cruz, ayooon.. after ng papuntang ROB na jip, sumakay kami sa isang Jeepney agen, kaso it's a WRONG ROUTE! Papuntang SAN ANDRES yun! Takte! Tanga ko talaga! Gastos na naman! asaaaaaaaar!

BOO-BOO # 9 : NAUNTOG AKOOOOOO! sa ilalim ng POOOL! SIYETE! ang tanga talaga! Sakit ng ulo ko, tapos pa nga, lulusot sana ako sa baba ni kimmie dun sa underwater, KASO TUMAMA AKO SA PUSON NIYA, xeeeeeet! LOL~ sakit kaya nun!

BOO-BOO # 10 : I TRIPPED, I FELL AGAIN AND AGAIN! una, papunta na ako kina Kim sa Kiddie Pool [ibang klase rin ang trip nooo?] at ako'y nadulas sa CHORVA-EBER na sahig, ampp.. 2nd time, sa HARAP NG MARAMING TAO! kasi naman eh, dumating si Ate Rachel sa POOL at, lalapit sana ako, tapos biglang may fireworks sa likod niya, nagmadali ako para makita, pero ayun.. NADULAS AKO! huhuhu.. T___T and the last time, naglalakad ako pabalik sa Unit after samahan sina Kim pauwi pero sa bangketa, natapilok akoooo! xeeeet!

OH AYAN! ARE YOU HAPPY NOW?! LOL~ HUWATT THE PAK WAS ALL THAT! SO BOO-BOO!


candy blog awards
nominado ako :))


introduksyon
alamin mo muna


KILALA MO 'KO?
wag mo akong tularan :]]


PANGARAP KO
NA HINDI PA NATUTUPAD


HINDI MO NABASA?
balikan mo muna


ARSIB
noong


INGAY
basagin ko nalang eardrums mo

DOODLES
na mensahe


DAAN PATUNGO
sa pahina nina


Promote ko
sila, hihihihi


salamat
sa tulong!