ako'y isang
FOURTH YEAR HIGHSCHOOL.
(kahit hindi halata. :]])
meaning, nasa last level na ako ng Sekondaryang Paaralan.
tsk, di na ako natutuwa.. akala ko ba naman kasi eh noh, pag nagtapos na ako sa lintik na hayskul eh kapayapaan ko na, dun lang pala ako nagkakamali, dahil buhay pa ako eh.. LOL~!
dahil
FOURTH YEAR na nga ako, malamang tambak din ako ng assignments, projects and whatsoever.. T-T
at yun lang naman talaga ang tanging dahilan kaya't..
kaya'y..
di ako nakakapag-apdit.. LOL~
bwusit, sabayan mo pa nang katotohanang wala akong magamit na computer sa bahay.. ampp.
kahapon lang nagkaroon ng CAREER ORIENTATION sa AVR 1 at 2. At dahil kasama ako sa mga required pumunta, ayun.. Nauwi sa EFFIN' FIVE HOURS stay sa iisang upuan ng walang tayuan.. imagine, di kaya mag-flat na pwet ko dun.. Oh C'mon.. :]] andaming mga speakers or representative ng bawat university ang nagsidaluhan dun para lang pausin ang laryx nila, awwww.. so sad.. XD
ililista ko dito ang mga schools na na-represent sa amin.. O_o
-Informatics
-Emilio Aguinaldo College
-IAcademy
-Mapua
-AMA University
-Dominican College
-Angelicum College
-San Juan de Letran
-University of Sto. Tomas
-Far Eastern University - East Asia
-Endurun
-Lyceum University of the Philippines
-San Sebastian College
yun lang? ewan ko, 100% sure akong may kulang pa eh, whatever naman noh.. ayoko na mag-isip at ng baka sumabog pa yung kukote ko.. T-T. Alam mo, sige sa flyers yung mga representatives, LOL~ ngayon marami na kaming papel na pwedeng ilagay sa recycle box.. geez..
anu ba kasi pangarap ko? LOL~
gaya ng aking sinabi, nais kong gumawa ng LOVE POTION-kunong gamot, pero nakamamatay.. Alam kong that's so LAME.. LOL~ pero dati kasi bata pa ako, sabi ko "Paglaki ko gusto kong maging DOCTOR!" sus, mabentang pangarap yan nung mga paslit palang.. habang lumalaki ako, yung nashe-shape na future ko ay nag-aalaga ako ng mga babies, yung sa nursery ba? haiz, kaya sabi ko "NURSE AKO!" pero nitong taon lang, biglang nag-iba ang pagtingin ko sa kalawakan (ahem.) andami na kasing nagsisilabasang balita na "OFW pinatay/pumatay/minaltrato" and so on.. naisip ko, delikado naman kaya kung mag-nurse ako, dahil siguradong sa abroad ang bagsak ko.. bakit di dito sa Pilipinas? eh kasi naman noh, sinong matutuwa kung napaka-baba pa ng sweldo mo, eh lumolobo na rin yung presyo ng gasolina, sabayan mo pa ng bigas, prutas, gulay, tinapay lahat na.. ay.. saka naisip ko, kung ganitong sitwasyon ng pagkatao ko na hindi masyado maayos magsalita ng ganyan-ganyan. Ang hirap makapagtrabaho niyan baka masigawan pa ako..
Bigla namang sabi ni Mami "Pharmacy" na lang daw.. HUH? anu yun Mercury Drug Store Clerk? ayoko nga, tatalasan mo pa tenga mo dun eh.. Pero sabi ni Mama, kung naging DOCTOR OF PHARMACY ako, pwede akong magtayo ng sarili kong Drugstore, as in ako ang may hawak. biruin mo, nanay ko nakaka-isip ng mas malala.. LOL~ that way daw, hindi daw ako uutusan, dahil ako mismo ang may-ari nun, oo nga naman ano? pero naisip ko, anu yun papasok pa ako sa medical school? NOSEBLEED. T-T pero naisip ko rin naman, bakit di ko kaya i-try? diba? palibhasa kasi, di ako maniniwala hangga't di ko nakikita.. so well, naisip ko rin, magandang job yun diba? kailangan lang talaga ng utak, kasipagan, determinasyon, lakas ng loob at kung anu-ano pang makakapag-boost ng confidence ko.. haiz.. FUTURE, what are you?!
at sa mga college kahapon, EAC at UST lang ang may PHARMACY, o my.. bilang ko na talaga ang araw ko.. T-T
Lord,
Di po ako sanay sa ganito ah. Pero gusto ko lang naman pong humingi ng tulong, tulungan niyo po ako sa college ko, huhuhu.. Di ko na po alam kung anu ba kasi silbi ko dito sa mundo eh.. Kahit man po hindi na ako pumasa sa UP, sana po may makita akong University na talagang deserving para sa akin, at para sa future ko.. haiz.. So far, salamat sa lahat, buti naman buhay pa ako at nadadama ko rin lahat ng emosyon sa mundong ito.. Ü
Amen.