<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4341231147608343189\x26blogName\x3dMUNDO+ng+AKING+KABALIWAN\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://miltotskiness.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://miltotskiness.blogspot.com/\x26vt\x3d8123087191214563676', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Sunday, August 17, 2008
KAIBIGAN Ü
12:55 PM

“Truly great friends are hard to find, difficult to leave, and impossible to forget.”

-Anonymous ba toh? XD

Oye! Ako'y nagbabalik, LOL~!
*kahapon pa sana.. nye.. XD kung hindi lang dahil sa effin' 12 pages project sa AP, ginawa ko na.. geez, halos malaglag na yung mga mata kakadilat sa malaking kababalaghan sa harap ng monitor, walang katapusang copy-paste ang naigalaw ng traydor kong kamay, ampp.. XD

0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

Nagkaroon ka na ba ng kaibigan?

Alam ko, bobong tanong yan, pero yung totoo ah? Ang tunay na kaibigan, para sa akin, andyan lang sa tabi mo, handang tumulong kapag may problema ka, aawayin ang mundo, mapagtanggol ka lang, tatawa sa sobrang korni ng biro mo, tinatago ang mga sikreto mo, kahit na yung mga madilim na sikreto mo, naiintindihan ang damdamin mo sakaling galit ka sa mga nilalang ng mundo, pero gagawa't gagawa ng paraan gumaan lang ang dibdib mo, hindi ka iniiwan anu man mangyari, at higit sa lahat, tanggap buong pagkatao mo at kung sino ka man.

lintek, napadrama ako.. LOL~! XD

napadaan lang naman kasi ako sa friendster, at tumingin lang ng mga dambulahang litrato ni ERIN.. :]] XD Nagkataon, andun na pala yung mga litratong kinuha nung birthday ni Sherrybeth, nung Monday ata.. LOL~! ang saya namin, sa mga pikchoors ah. kuhang-kuha yung bawat halakhak, bawat kalokohan, bawat minuto, at bawat segundo nung kasiyahan namin. *wak mo na lang pansinin, LOL~..

bigla ko na lang naisip, WOW, friends.. kaibigan, nakakatuwa dahil kahit papano, may mga kaibigan akong tulad nila. Tsk, akala ko ba naman kasi, magiging loner ako poreber, tsk.. drama na naman.. XD

bago ang lahat, anu ba yung mga Iba't-Ibang Uri ng Kaibigan?

sundan.. :]]

10. Kaibigang Artificial - Eto ang mga taong tinatawag na "Plastik". Sila ay kasing kunat ng plastik cover ng long brown envelop. Sila ang iyong mga kaibigan pag nakaharap lang at pag nakatalikod ay wala nang pakialam. Madalas kang makakarinig ng magagandang salita galing sa kanila. Sila ung magsasabi na magaling ka, kahit alam na ng marami na mahina ka doon. As in "Over na".


9. Kaibigang Talangka - Eto ang uri ng kaibigan na may pag iisip na "Crab Mentality". Sing liit ng crab ang utak nila kung magiisip sa kapwa. Sila ang mga no.1 fan mo, at sila rin ang no.1 na magbaba sayo. Sila ang kaibigan na ayaw mahigitan o ayaw kang sumikat. Natatakot silang mapagiwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Hindi sila nagpapahuli maliit man o malaking bagay yan.


8. The Parasites - Sila ang kaibigan na may linyang "kapit sa matatag" Sing tibay nila ang Buldog super glue kung dumikit. Ikaw ang positive at sila ang negative. Kung sa sentence sila ang independent clause. Sila ang kaibigang lalapit sa oras ng gipitan, magiging malambing kung kinakailangan at mambobola. Hindi sila mabubuhay pag wala ang tulong mo. Magiging kaibigan mo sila sa mga oras ng pagkakaipit. Pag nakuha na nila ang kailangan nila ay mawawala na sila.


7. Bodyguards - Eto naman ang uri ng kaibigan na laging bumubuntot sayo. Mas matibay pa sya kay robin kung dumikit kay batman. Sila ang kaibigan na namimili ng pakikisamahan. Gusto nila ay ang mga gwapo, siga, astig, mayaman at sikat. Naisip nila na pag nakisama sila ay magiging "cool" na rin sila. Galing noh.


6. Ka-i-bi-gan - Sila ang kaibigang daig pa si Romeo manligaw kay Juliet. Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun. Sila ang mga dakilang manliligaw. Sila ang iyong kaibigan na may malalim na pagtingin sayo.


5. The Mushrooms - Eto ang uri ng kaibigang na may ugali na parang kabute. Sing tigas ng mukha nila ang bakal at hindi sila tintablan ng kalawang. Sila ang mga kabigang nagpapakita pag may birthday, binyag, kasal, swimming, outing at kung anu-anu pa mang espesyal na okasyon. Magugulat ka na lang at tatawag sila sayo at magtatanong kung pwedeng sumama sa mga lakad mo ng "libre!"


4. The Traitors - Sila ang kaibigang nang-iiwan ng kaibigan. Daig pa nila si terminator na mag terminate ng kaibigan. Sila ang mga kaibigan sa iyong mga paningin. Sila ang mga kaibigan mo pero hindi ka nila kaibigan.


3. Brothers/Sisters - Sila ang kaibigang itinuturing mo na parang kapatid dahil napamahal na siya sa iyo. Sila ang mga kaibigang nakakatanda sayo at mapag kukuhanan mo nang matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag dating sa kalokohan.


2. Golden Friends - Eto ang uri ng kaibigan na sobrang tagal nyo na magkakilala. Sila ung lumipas at lumipas ang panahon ay hindi ka kinalimutan at nanatili mo pa rin silang kaibigan. Sila ang lubusan mong mapapagkatiwalaan at kilalang-kilala ka na.


1. Tunay na Kaibigan - At last. Sila ang kaibigan na pinakarare sa lahat. Daig pa nila si spiderman kung tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang kaibigang hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na bumabagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa oras na malungkot ka.


source : http://skyblueali.multiply.com/journal/item/2

ano meron ka?

see my friends?
CLICK!



candy blog awards
nominado ako :))


introduksyon
alamin mo muna


KILALA MO 'KO?
wag mo akong tularan :]]


PANGARAP KO
NA HINDI PA NATUTUPAD


HINDI MO NABASA?
balikan mo muna


ARSIB
noong


INGAY
basagin ko nalang eardrums mo

DOODLES
na mensahe


DAAN PATUNGO
sa pahina nina


Promote ko
sila, hihihihi


salamat
sa tulong!